Learn and Love Filipino. A website for students and learners who wanted to speak and understand Filipino or commonly known as Tagalog for some.

Full width home advertisement

Post Page Advertisement [Top]

Ang Pandiwa ay ang salitang nagpapahiwatig ng kilos, gawa o kalagayan. Ito ay tinatawag na Verb sa wikang Ingles.


Mga Uri ng Pandiwa ayon sa Kaukulan
Payak

Ito ay ipinalalagay na ang simuno.

Halimbawa:

Lubos na malasin, mahirapan, at masaktan ang nambababoy ng wiking ito.


Katawanin

Ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap.

Halimbawa:

Ang masipag at determinado ay nagtatagumpay.


Palipat

Ito ay may simuno at tuwirang layon.

Halimbawa:

Naglinis ng silid si Aonica.


Mga Aspekto ng Pandiwa
Pangnagdaan/Naganap na o Perpektibo

Ito ay nagsasaad ng kilos o gawang natupad na.

Halimbawa:

Nagluto ng corned beef sa kusina si Michelle.


Pangkasalukuyan/Imperpektibo

Ito ay ang pagkilos na nasimulan na pero hindi pa tapos.

Halimbawa:

Natutunaw ang yelo sa baso.


Panghinaharap/Gaganapin o kontemplatibo

Ito ay ang kilos ay mangyayari pa lamang.

Halimbawa:

Kakain si Gerald sa carinderia.


Tahasan

Ito ay ginaganap ng simuno ang isinasaad na pandiwa.

Halimbawa:

Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan noong 1892.


Balintiyak

Ito ay hindi ang simuno ang gumaganap sa isinasaad ng pandiwa.

Halimbawa:

Ang pagtatatag ng katipunan ay pinasimulan ni Andres Bonifacio.


Kailanan ng Pandiwa
Isahan

Ito ay kapag ang pandiwa ay nasa payak na anyo.

Halimbawa:

Ang aso ay nagbabantay ng bahay tuwing gabi.


Maramihan

Ito ay marami ang simuno at kilos na isinasaad.

Halimbawa:

Ang mga aso ay nagsisipagbantay ng bahay tuwing hatinggabi.


Mga Panlaping Makadiwa
Panlaping Banghayin

Ito ay ang panlaping nagbabanghay sa sarili samantalang hindi nagbabago ang salitang-ugat.

isa, maki, magka, maging, magsa, suma


Nyutral

Naganap

Nagaganap

Magaganap


magbigay

nagbigay

nagbibigay

magbibigay


magsagawa

nagsagawa

nagsasagawa

magsasagawa

Pagbabanghay ng mga Pandiwa
Pandiwa sa Ma

Ito ay nagsasaad ng kasadyaan o ikaaari.

mauna

nauna

nauuna

mauuna



Pandiwa sa Ipa

Ito ay nagsasaad ng utos o mungkahi.

ipaabot

ipinaabot

ipinapaabot

ipaaabot


Pandiwa sa Ipag

Ito ay nagbibigay ng utos o pakiusap.

ipagbili

ipinagbili

ipinagbibili

ipagbibili


Pandiwa sa Mag

Ito nagbibigay diwa sa pagganap.

magsabi

nagsabi

nagsasabi

magsasabi


Pandiwa sa Maki

Ito ay nagsasaad ng pakikisama sa gawa.

makibagay

nakibagay

nakikibagay

makikibagay


Panlaping Mapa

Ito ay nagbabadya ng maaaring maganap.

mapabuti

napabuti

napapabuti

mapapabuti


Panlaping Magka

Ito ay ginagamit para sa di-kusang pagkilos.

magkasundo

nagkasundo

nagkakasundo

magkakasundo



Panlaping Magsi

Ito ay para sa sabay-sabay na pagkilos.

magsikain

nagsikain

nagsisikain

magsisikain


Panlaping Maka

Ito ay nagsasaad ng kasadyaang pagkilos.

makatakas

nakatakas

nakakatakas

makakatakas


Panlaping Magsa

Ito ay nagsasaad ng magkatulad na pagkilos.

magsadula

nagsadula

nagsasadula

magsasadula



Mga Uri ng Pandiwang Di-Karaniwan
Maykaltas

Ito ay kapag may titik o pantig na kulang sa salita.

Kunin (kuhanin), damhin (damahin), bathin (bati-hin)


Maylipat

Ito ay may titik na nag-iiba ng lunan sa loob ng salita.

Tupdin (tuparin), tamnan (taniman) , sidlan (siliran)



Maypalit

Ito ay kapag mayroong isa o dalawang titik na napalitan ng iba.

Hagkan (halikan), datnan (datingan), tawanan (tawahan)


Metatesis

(pagkakaltas + paglipat) hal. mangtahi = mananahi

mambato = mamato


Pagkakaisa ng Simuno at Pandiwa

Ang simunong nasa kailanang isahan ay nangangailangan ng pandiwang isahan din.

Halimbawa:

Si Tonio ay naglalakbay sa kahabaan ng Edsa.

Ang simunong nasa kailanang maramihan ay humihingi ng pandiwang maramihan din.

Halimbawa:

Si Tonio at Juan ay nagsipagtapos sa kolehiyo.


Pokus ng Pandiwa

Ito ay ang relasyon ng pandiwa sa simuno.

Aktor-pokus-nagtuturo na ang tagaganap o aktor ang siyang simuno ng pangungusap. ang mga panlaping ito ay nasa aktor-pokus- um-, mag-, ma-, mang-, maka-, makapag-, maki-, at magpa-.

Halimbawa:

Nagsayaw ng limbo rock ang mga kalahok sa paligsahan sa programang Eat Bulaga.


Layon

Ang paksa ng pangungusap ay ang layon.

Halimbawa:

Ang aklat ay inilipat niya sa mesa.


Ganapan

Ang lugar o pook ang ganapan ng kilos.

Halimbawa:

Ang bakanteng lote ay tinataniman nila ng gulay.


Tagatanggap

Ang simuno ang pinaglalaanan ng kilos.

Halimbawa:

Ipagsasalok mo ng suka ang bisita para inumin nila..


Gamit

Ang kasangkapan o bagay na ginagamit ang gagawa ng kilos.

Halimbawa:

Ang abaka ay ipantatali niya sa duyan.


Sanhi

Ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi.

Halimbawa:

Ikinagagalak niya ang pagtanggap sa kanyang pag-ibig.


Direksyon

Ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa:

Ang Chocolate Hills ay pinuntahan nila.


Kaganapan ng Pandiwa

Ito ay ang relasyon ng pandiwa sa panag-uri.


Kaganapang Tagaganap

Ito ay ang bahagi ng panaguri ang gumaganap ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa:

Ang unang anibersaryo ng kanilang kasal ay ipinagdiwang ng mag-asawang Leny at Ariel.


Kaganapan sa Layon

Ito ay kung ano ang bagay na tinutukoy ng pandiwa.

Halimbawa:

Sumasayaw ng tinikling ang mga taga nayon.


Kaganapang Tagatanggap

Ito ay kung sino ang nakikinabang sa kilos ng pandiwa.

Halimbawa:

Nagluto si Nida ng Spaghetti para sa kanyang mga anak.

Kaganapang Ganapan

Ito ay nagsasaad ng lugar na ginaganapan ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa:

Nag-aararo sa bukid ang ama ni Ryna Angelica


Kaganapang Kagamitan

Ito ay kung anong bagay o instrumento ang ginagamit upang magawa ang kilos ng pandiwa.

Halimbawa:

Ang lamesa ay pinunasan ni Jonathan ng basahang tuyo .

Kaganapang Direksyon

Ito ay nagsasaad ng direksyon ng kilos na taglay ng pandiwa,

Halimbawa:

Ang mga panauhin naming balikbayan ay ipinasyal namin sa Luneta .



Mga Gamit ng Pangngalang Pandiwa

Ang pangngalang-pandiwa ay binubuo ng panlaping pag- at salitang ugat.

pag + sukat = pagsukat

pag + tulong = pagtulong


Bilang Simuno ng Pangungusap

Halimbawa:

Ang pagtulong sa kapwa ay pinagpapala.


Tuwirang Layon sa Pandiwa

Halimbawa:

Si keith dexter ay mahilig sa paglalaro ng volleyball.


Bilang Kaganapang Pansimuno

Halimbawa:

Ang susi sa tagumpay ay pagtitiis.


Bilang Di-tuwirang Layon

Halimbawa:

Si Andrew ay magtatayo ng paaralan ukol sa pagtuturo ng Ingles.


PANLAPI

Ang mga panlaping pandiwa ay ginagamit sa pagbanghay ng pandiwa kung kaya't minabuti na pag-aralan ang pagbanghay sa Asi. Sa makabagong balarilang Pilipino, may apat na aspekto ang pandiwa (nagsasaad kung naganap na o hindi pa ang sinasaad ng salita) maliban sa pawatas nitong anyo - pangnakaraan, pangkatatapos lang, pangkasalukuyan at panghihinaharap.


1. Mag

Pawatas : magtanim - tanom, magtanom

Pangkatatapos lang : katatanim - katatanom, pagtanom

Pangnakaraan : nagtanim - nagtanom
Pangkasalukuyan : nagtatanim - nagtatanom

Panghinaharap : magtatanim - matanom


2. Um

umakyat - tawog, magtawog

kaakyat - katatawog, pagtawog

umakyat - nagtawog

umaakyat - nagtatawog

aakyat - matawog

10. Ma

makain - makaon

nakain - nakaon

nakakain - nakakaon

makakain – makakaon

19. Mang, Man, Mam

mambutas - magpambuho: gipambuho

kakapambutas - kakapambuho, pagpambuho

nambutas - nagpambuho: gipambuho

nambubutas - nagpapambuho: gipapambuho

nambubutas - napambuho

mambubutas - mapambuho: magpambuho


20. ugat+an, ugat+han

gupitan - tupihe: gitupihe

ginupitan - gingtupihan, ingtupihan: gitupihe

ginugupitan - gingtutupihan, ingtutupihan: gitutupihe

ginugupitan - inatupihan

gugupitan - atupihan: gitupihan



puntahan - pagtoe: gipagtoe

pinuntahan - gingpagtoan, ingpagtoan: gipagtoe

pinupuntahan - gingpapagtoan, ingpapagtoan: gipapagtoe

pinupuntahan - inapagtoan

pupuntahan - apagtoan: gipagtoan


21. I (gawin sa isang bagay)

ibilad - buyara, buyaran: gibuyara

kabibilad - kabubuyar, pagbuyar

ibinilad - gingbuyar, ingbuyar : gibuyara

ibinibilad - gingbubuyar, ingbubuyar: gibubuyara

ibinibilad - inabuyar

ibibilad - ibuyar, abuyaron: gibuyaron


22. I (gamitin na)

isagot - sabatan: gisabatan

isinagot - gingsabat, ingsabat: gisabatan

isinisagot - gingsasabat, ingsasabat: gisasabatan

isinisagot - inasabat

isasagot - isabat: gisabatan



23. ugat+in, ugat+hin

punitin - gisia: gigisia

kapupunit - kagigisi, paggisi

pinunit - ginggisi, inggisi: gigisia

pinupunit - ginggigisi, inggigisi: gigigisia

pinupunit - inagisi

pupunitin - agision: gigision


24. Ipa

ipasabay - parunganan: giparunganan

kakapasabay - kakaparungan, pagparungan

ipinasabay - gingparungan, ingparungan: giparunganan

ipinapasabay - gingpapaunganan, ingpaparunganan: gipaparunganan

ipinapasabay - inaparungan

ipapasabay ̢ۢ iparunganan: giparunganan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Bottom Ad [Post Page]